Rate this book

100 Kislap (2011)

by Abdon M. Balde Jr.(Favorite Author)
4.14 of 5 Votes: 1
languge
English
publisher
Anvil Publishing, Inc.
review 1: Napakahusay maglaro ng salita at gumamit ng metapora ni Abdon. Masarap bigkasin ang kanyang mga pangungusap dahil taglay nito ang indayog at aliw-iw ng isang tula. Iyon nga lamang, marami sa mga dagli o flash fiction na taglay ng antolohiya ay tila walang dating. Paulit-ulit din ang mga pangyayari sa iba, nagkakaiba-iba lang nga sitwasyon. Hindi taglay ni Abdon ang husay ni Eros sa pagsulat ng flash fiction sa kanyang antolohiya na Wag Lang Di Makaraos. Magaling umisip ng kwento si Eros. Mas malaro at malikhain ang kanyang mga wakas, talagang may twist. Dahil ang dagli ay talaga nga namang maikli, ang katapusan nito o yung twist ang magdidikta kung ito ba ay maganda o hindi. Kung malikhain si Abdon sa paggamit ng salita, hindi naman siya ganoon kalikhain lumikha ng wakas.B... moreilang kongklusyon, mahusay at talagang pinag-isipan ni Abdon ang antolohiya niyang ito ng 100 dagli. "Kislap" ang tawag niya rito, ngunit maaaari ring ikategorya sa dagli. Iyon nga lamang, di tulad ng mga dagli ni Eros, ang mga dagli ni Abdon ay madaling makalimutan at hindi tumatatak. Tiyak na ang kahusayan ni Abdon sa paggamit ng salita ay mas makikita sa mga anyo ng panitikan tulad ng sanaysay, maikling kwento, at nobela.
review 2: 4.5 ang rating ko sa libro.Ang Kislap ay Kuwentong ISang igLAP. Ang mga kuwento ay hindi hihigit sa 150 salita.O PAG-IBIG NA MAKAPANGYARIHAN - 13 na kuwentoEROTIKA - 9 na kuwentoANG BUHAY NGA NAMAN - 14 na kuwentoMGA KABALINTUNAAN - 14 na kuwentoKRIMEN AT KAPARUSAHAN - 13 na kuwentoSINDAK AT SILAKBO - 12 na kuwentoKABABALAGHAN - 12 na kuwentoBIKOLNON - 13 na kuwento100 kuwentong isang iglap. 100 KISLAP.Sa'n ka pa? Kumpleto na 'yan.Magaling talaga. Kahit 150 salita lang, kumpletong-kumpleto pa rin 'yung mga kuwento. Talagang saktong-sakto lang 'yung mga salita sa pagbuo. Na para bagang pag dinagdagan pa ng salita na higit sa 150 ay papanget na ang mga kuwento.Tawang-tawa ako doon sa kuwento na Sinakulo. Awang-awa naman ako sa matanda sa kuwento na Santisima Trinidad.Natatandaan ko pa. . . Noong binabasa ko ang libro nang pangatlong beses na ay umalis ako at inawan ang libro sa kama. Pagbalik ko'y binabasa na pala ni Ina. Sabi niya "Paolo, tuwang-tuwa ako sa kuwento no'ng si Indoy at Tinay."Ang hindi ko lang talaga masyadong nagustuhan sa libro e 'yung mga kuwento sa BIKOLNON. Pulos kasi tungkol sa mga lugar sa Bicol. E hindi pa naman ako nakakapunta roon. Mga alamat ng mga lugar doon ang nasa libro o ang istorya ng lugar. Basta hindi ko na natripan pagdating doon. Hindi na ako nakasabay. Naguguluhan na ako habang binabasa 'yung parte na 'yun.5 stars nga ba ibibigay ko? Okey na okey na 'yung libro e kaso 'yung sa BIKOLNON nga. 4.5 na lang. less
Reviews (see all)
Aunayunca
hindi ko mahanap yung hahamakin ang lahat ni Abdon M. Balde Jr.
Jones079
i like this....
choco39485
full of humor!
Lzzrd8
demonyo
Write review
Review will shown on site after approval.
(Review will shown on site after approval)