Ni: Throy Catan
ISA sa pambato ng GMA Kapuso Network ang aktres na si Kris Bernal pagdating sa kahusayan sa pag-arte, lalo’t pinatunayan niya ito sa kanyang teleseryeng Impostora kung saan gumaganap siya ng dalawang karakter.
Kamakailan naibahagi ni Kris sa kanyang Instagram account ang kanyang pagmuni-muni tungkol sa pagpapakasal habang nasa taping ng kanilang ‘kasal’ ng katambal na si Rafael Rosell.
Ayon kay Kris , naranasan na niyang maging bride sa kanyang mga soap opera at bridesmaid naman daw sa totoong buhay. Kailan naman daw kaya ang pagkakataong siya naman ang magiging bride sa labas ng camera? Ano ang kinaiba nito sa acting niya sa TV?
#KBDiariesDay3of365: Always a bride in my soaps. Always a bridesmaid in real life. Oo, laging may kasal scenes, and I always give the tearful emotion that is required of me. Now, I wonder how will it be if it’s my very own wedding already? Walk up the aisle, and see my true love’s smiling face waiting for me. No acting, just truth.