Rate this book

Bakit Baliktad Magbasa Ng Libro Ang Mga Pilipino? (Mga Kwentong Barbero Ni Bob Ong) (2001)

by Bob Ong(Favorite Author)
3.82 of 5 Votes: 5
ISBN
9719257407 (ISBN13: 9789719257400)
languge
English
genre
publisher
Visual Print Enterprises
review 1: Subrang natawa ako dito, sa Cover palang kasi baliktad talaga at napahanga at napatawa ako ng wagas (as in hagalpak talaga).Makabuluhang libro ni Bob Ong at subrang gusto ko at alam ko na maraming Pilipino ang mamulat sakaling mabasa ito. Totoong nangyayari sa bansa natin. Totoo nga na masakit ang katotohanan, at subrang sakit talaga dahil sa paulit ulit ito na sinasampal sa atin. Simula sa Gobyerno hanggang sa mga ordinaryong tao na walang pakialam sa bansa natin, at tanging gusto lang gawin ay kung hindi magnakaw ay tumakas nalang at iwan ang bansang humubog sa pagkatao nito at basta nalang kalimutan. Tama nga siya--May sakit ang bansa natin pero walang gustong tumulong at magbigay ng gamot. Lahat tayo nag rereklamo sa bansang meron tayo, lahat sinisi sa Gobyerno, sa kap... morewa tao at nagpapatsudahan sa pagsisisihan at ayaw manlang aminin na lahat tayo ay may kasalanan. Sa dinami dami ng librong nabasa ko, isa ito sa napamulat sakin--dahil isa din ako sa mga taong nabanggit niya. Kulang nga lang tayo sa pagmamahal sa bansa natin- sakaling matutunan natinitong mahalin, yakapin at pasalamatan maaring may pag asa pa para gumaling ang bansang humubog sa atin.Patuloy at patuloy ko paring tatangkalikin ang mga libro mo- sana mabasa ng lahat ang librong to at maisabuhay anu man ang nilalaman nito.
review 2: isinulat ito ni Bob Ong sa administrasyon ni Erap. Nagdaan ang administrasyon ni Arroyo at ngayo'y nakay Benigno Aquino III na. May ipinagbago ba ang Pilipinas? OO! Pero wag mong aasahan na puro positibo ang resulta ng pagbabagong ito, dahil ang iba'y lumala pa. Ang kaibahan, mas nasiwalat ang katiwalian ngayon, pero hindi dahil sa presidente. Dahil ito sa mamamayan.Karaniwang tingin ng mga Pilipino kay Bob Ong ay isang komedyante. Pero kung ating susuriin ng mabuti ang nilalaman ng kanyang mga akda ay may nakalakip ditong mga mensaheara sa mga mambabasa--kung gugustuhin mo bang maging Pilipino, kahit na ang daming mga katiwalian sa bansa; kahit ang katiwalian ay mas madalas pang nagmumula sa mga kapwa Pilipino natin; kahit na ang progresibo ng ating bansa ay paurong, dahil nga 'baliktad magbasa ang Pilipino'.Maraming magandang bagay na mapupulot sa librong ito. Ang paksa na nais nitong ihayag ay naisiwalat ng mabuti. Marami rin itong naihandog na mga kuru-kuro: para sa akin, aking napagtanto kung gaano na tayo nasasadlak sa lupa hindi lang sa aspeto ng salapi, kundi pati na rin ng dangal para sa ating pagiging Pilipino. Nakakalungkot kung ano man ang Pilipinas ngayon. Naka dalawa nang palit ng pangulo, pero nganga pa din. Karamihan kasi umaasa sa pamahalaan, na ngayo'y naisiwalat na bilang ganid at sakim. Tayo naman, kesa sa kumilos ay nagsisihan na lang.Maganda ang aklat na ito. Sana lang ay siyasatin pa ng maigi si Juan para matamaan naman. less
Reviews (see all)
Carol
panggising sa mga kolonyal na utak ng mga piling pilipino!
kia12
medyo serious pala to, kala ko comedy
famehungry
nice
gingging
FUN
Write review
Review will shown on site after approval.
(Review will shown on site after approval)
Other books by Bob Ong