Rate this book

Last Order Sa Penguin (2003)

by Chris Martinez(Favorite Author)
4.04 of 5 Votes: 4
languge
English
genre
publisher
The University of the Philippines Press
review 1: Ikaw anong trip mo sa buhay? Anong takot mo? May tamis at romansa pa ba? O nilalamig at tila natutuyot na? Anong mga pangarap mo? Handa ka na ba? Anong gagawin mo kung may isang milyon ka? Teka ilang taon ka na ba?Inakala ko talaga na ang aklat na ito ay tungkol sa Aklat o sa tao na mahilig magbasa at sumulat dahil sa salitang Penguin. Di ba ang Penguin ay isang pabliser na puro mga klasikong akda ng mga banyaga ang nilalathala? Hindi naman pala! Pero alam ko na hindi ito nobela o koleksyon ng mga sanaysay. Mas pinili ko ito kaysa isang nobela. Sabi ko para maiba naman at batay na rin sa nakasulat sa likod na pabalat na nagsasabi na nagkamit ito ng Unang Gantimpala sa Palanca at ilang beses na rin naisa-entablado. Mukhang interesante kaya binili ko na, isa pa abot-kaya ang... more presyo.Sa kabila ng kasungitan ng panahon, hindi ako napigil nito, inumpisahan ko na!Tungkol ito sa Limang magkakaibigan na artist. Iskultor, makata, artista sa entablado, filmmaker at isang dating durugista (artist?). OK! At muling pinagtagpo ng tadhana para magkamustahan sa buhay-buhay, sa mga karera at ang litaw na pinuproblemang edad patungong Trenta. Anong meron ba sa Edad-Trenta? (Smiley emoticon)Lahat ng eksena ay nangyari dis-oras ng gabi hanggang mag-umaga sa Peguin, isang bar/café/gallery na matatagpuan sa Malate. (So hindi talaga ito tungkol sa aklat o kung anong pabliser.)Bawat tauhan ay may kanya-kanyang karakter na binubuhay. Maliit man o malaki.Sa dulang ito kwela ang mga palitan ng mga dialogo. Nakaka-aliw ang mga shifting at pagpapalit ng persona at pagsasabayan ng kanya-kanyang drama sa buhay. Bawat isa may spot light, may espasyo at moment. May Pasabog! Gustong gusto ko yung batuhan nina Tuxqs at Harlene ng linya. Dahan-dahan, mabilis at pataas ang energy. At pinaka-tumatak sakin ang monologue ni Mario yung dating durugista na naging negosyante, pero sa linya pa din ng droga. Ang husay ng pagkakalahad niya ng tungkol sa tama ng droga, yung ecstasy. Parang totoo at malinaw ang mga rehistro ng imahen na ginamit sa pagkukuwento. Nadama at naisip ko talaga na parang ako rin gumamit at may amats na. Ganito naman talaga dapat ang asahan sa ganitong klase ng dula. Umpisa pa lang mataas na mataas na ang energy at syempre matatalino din ang batuhan ng linya. Puno ng komedya at walang patlang-as in walang dead air. Gustong gusto ko yung pagkakaroon ng sobra-sobrang obserbasyon sa mga detalye sa buhay at maging sa maliit na bagay. Benta!Kumalma lang ang mabilis na takbo ng si Sweet (isang tindera ng bulaklak) na ang naglilitanya at maibubuod ang sinasabi sa mga pangunahing karakter na: “Ang dami nyong kaartehan! Ang dami nyong pinuproblema e puro pansarili at kababawan lang naman! Wala yan sa problema ko! Pagkain, hanapbuhay, lipunan atbp!” Parang ganun..Habang binabasa ko ito, hindi ko maiwasan na mas isipin ang mga eksena sa aktwal na dula na sa tingin ko’y mas makulay at puno ng buhay. Bigla kong na-miss ang buhay-teatro.Ilang saglit lang, tapos na pala ang kuwento, tapos ko na pala ang dula pero bago ako matapos gusto ko lang sagutin ang mga katanungan sa itaas. Marami akong trip sa buhay. Masaya ako at masasabing puno ng romansa. Kung may 1 milyon ako, bibili ako ng sangkatutak na libro at manlilibre. Iyon muna. Wala pa ako sa edad-trenta tsaka ko na lang iisipin kapag inabot na iyon.Chris Martinez panalo ka!
review 2: Penguin is a play about a typical barkada of art yuppies and their problems and fears as they reach thirty. It is encompasses a lot of genres and tackles a lot of social issues. It is refreshingly comic yet at the same time hauntingly relevant (though sometimes it gets out of context, since the book is written in the early 2000s, and there are some allusions to that period of time). Nonetheless, it's a quick read and will keep you entertained (at least it was for me). Grab it if you're interested in this kind of literature; I got it at the UP Press on sale at P108 :) less
Reviews (see all)
parisguurl10197
A classic. Hope to see this back on stage soon.
Keira
One of my favorite Filipino books!
Iela
Winner! I had a bunch of laugh!
Write review
Review will shown on site after approval.
(Review will shown on site after approval)