Rate this book

Responde (2007)

by Norman Wilwayco(Favorite Author)
4.38 of 5 Votes: 3
languge
English
publisher
pinoyXpress
review 1: Kung hangad mo ay mawasak ang laman ng iyong utak, damdamin, at kaluluwa sa unang pagkakataon sa pamamagitan ng literaturang Pilipinas, subukan mo ang Responde. Subukan mong matuwa, masaktan, maiyak, at mapaipamukha ng garapalan ang tunay na buhay, lalong lalo sa Pilipinas. Ang masakit, ito ang simula pa lamang.Mga marka: 1. Drug War 3.5/52. ASIN LIVE! 4.5/53. Larawan 5/54. Dangal 3/55. Kung paano ko inayos ang buhok matapos ang mahaba-habang paglalakbay. 4/56. Dugyot 4/57. Imat 4.5/58. Kahon 4/59. Mga Bagay na Wala Kami 4/510. Pulutan n/a kung kinaya ko si Imat, pero todo ako nasaktan, mas di ko kinaya toh, paumanhin. 11. Tony Love Floren 3.5/512. Trip Kong Lumipad 4/5
review 2: Si Iwa ang nagbigay inspirasyon sa akin para magsulat. Si Norman Wilwayco. Sabi ng
... morea ng kakilala ko "ang pagbabasa daw ng mga gawa niya ay parang panunod ng porn video sa public place ng hindi mga malilibog at mal-edukado mga kasama mong nanunuod". Adik, liberal, bastos, hindot. Ilan lang yan sa ibat-ibang klaseng madalas itawag ng mga reaksyunaryo sa panulat niya. Pero hindi ako. Dahil kailanman hindi ako nababastusan sa salitang karat, puke, titi, puta, kantot, tae, suso. Mga salita ito sa tunay na mundo, ng mga tunay na tao: mga tambay sa kanto, tricycle driver, estudyante, nanay o tatay, teacher, pulis, tanod, kapitan, pulitiko (ewan ko lang kay Tito sotto.).Totoo ang mga kwento, ang mga salita, mga pangyayaring binasa mo lang pero parang naranasan mo na. Nagsusulat ako, pero alam kung di pa ako makakagawa nito. Alam mo kung bakit? Kulang ako sa bulbol sa noo. Di gaya ni tony, marami ng bayo ang nagpayanig sa baku-bako na niyang mundo. Marami ng bulbol na matibay na plastado na sa kanyang bumbunan. Kahit pa sabihing komo nalagas na ang iilang hibla, eh wazakenrol pa rin ang husay niya.Yan si Iwa at ang alter ego niya na si "Tony". Maraming bulbol, pasaway, transgresibo. Malakas ang personalidad. Pero umiibig, nasasaktan, may pagmamahal sa bayan: taoheto ang review:DRUG WAR(3.5 star) = humanga ako sa tibay ng babaeng kasintahan ni tony dito. Kinantot at binugbog na siya't lahat lahat eh nagawa pa niyang alalahanin si tony. Magkasintahang binugbog dahil sa pagmamarijuana. ng isang pulis na nagshabu at isang kapatid ng pulis na hayok sa laman. ASIN LIVE(5 star)= sobrang husay ng pagkakasulat nito. Oo sanay na ako sa non-linear na style ni iwa [yung hindi tuloy-tuloy ang scene at oras ng kwento pero pag natapos mo ang akda, eh malinaw ang lahat] consistent, totoong totoo ang kwento at mga karakter. Ang "asin", ang anak na gustong bumili ng gitara at pasukin ang mundo ng musika. Ang ama na hindi marunong kumanta, mag-gitara, ama na pumatay sa musa ng kanyang anak na magliligtas sana sa pinaka sensitibong panahon ng pagiging tao ng kanyang anak. Lahat sila totoo, sa ating lahat totoo sila. Sa bawat kwento ng ating buhay, totoo sila.LARAWAN (4.5 star)= tangina sobrang nakarelate ako dito, kung may pagkakatulad man ako sa bida. Eh yun yung marami ng dumaang babae sa buhay ko (hindi ko sinasabing lahat sila naging syota at nakantot ko, lalong hindi nakantot). Basta bigla na lang silang nawawala kagaya ng mga litrato sa kwento. Hindi man namamatay. Eh nawawala sila at wala na silang pakialam sa akin. Ang pagkakakwento? Ok naman. Kagaya ng iba niya rin akda. Pero gusto ko pa rin ang story.DANGAL(4 star)= buong buo ang perspective dito ni Iwa, sa usaping tungkol sa mga average student. Mga estudyanteng walang wala. sa pera, sa nalalaman, sa buhay. Marami sa atin, iba ang pagkakaintindi sa average student. Pero sa kagubatan ng reyalidad totoong may mga taong walang mukha, minsan pati pangarap wala rin. Pero madalas, silang mga walang mukha ang siyang tunay na nakakakita sa mukha ng mga tao. Kung gaano sila ka puta, animal, feeling sosyalera. Nagulat ako sa katapusan ng kwento, ilang araw ko rin pinag-isipan kung bat ganun ang katapusan ng akdang to. Siguro tunay ang pagmamahal, pero nabibili ang dangal eh. Lahat tayo may dangal, at naniniwala ako lahat yun nabibili, napapalitan. Hindi man pera minsan pero ganun pa rin yun. natutumbasan. At mahirap magmahal lalo na sa isang tao alam mo ang halaga ng presyo sa ulo.KUNG PAANO KO INAYOS ANG BUHOK KO MATAPOS ANG MAHABA-HABANG PAGLALAKBAY(4star)= ikaw mismo ang nagsabi sa akin na iba ito at ang nobelang "Mondomanila". Marami ang hindi nakakaalam dito, sabi mo ayaw mong talo ang bida mo sa huli kaya naisipan mong ibahin ang katapusan ng kwento sa nobela. Oo iba to, nabaliw si tony dito, nabaliw sa kahirapan, sa buhay. Sa mga tao na nasa kapaligiran niya. Ang pagpatay niya sa kano ay ang pagpatay niya sa kanyang mga pangarap at katinuan. Di hamak na mas gusto ko yung paraan ng pagkakapatay ng kano sa nobelang "Mondomanila" kesa dito sa short story.DUGYOT(3star)= ito ang hindi ako masyadong nabilib dito. Katulad sa karamihan mong akda, patay ang bida. Adik ang bida. Gayun pa man, sadyang ganun ang mundo. Marahas. Himurin mo man ang tumbong ng kahit sinong tao. Hindi sila mag-aalinlangan na saktan ka o patayin pag hiningi ng pagkakataon.IMAT(4.5 star)= iba to, lahat naman sa atin nakakakilala ng isang Imat. Baliw, wala sa sarili. Pero aminin natin na minsan kasama rin tayo sa nakitawa, kumutya, nagtapon ng tingin ng kababaan. Hindi ko dito nakita ang kabaliwan ni imat, kundi ang kabaliwan ng mga tao, ng mundo. Gusto ko rin ang pagkakasulat nito. Lalo na sex scene. Para kang nanuod ng porn na hindi pixalated. KAHON(5 star)= mataas ang marka ko dito, di lang dahil nanalo ito ng Amado Hernandez ek-ek awards. Ito ang una kong nabasa na akda ni Norman. Medyo wala pa akong alam sa pagiging tibak-tibak 'non. Una napahanga ako sa style. Bilang nag-uumpisang magbasa ng akda. makulit, diretso at walang paliguy-ligoy ang ipinapahiwatig na mensahe ng nasabing akda. dito mo masasaksihan ang totoong kabalintunaan ng lipunan at ng gobyerno. malungkot ang katapusan, kasi gano'n talaga, susupilin at susupilin ng gagong sistema ang sinumang magtangka na magpapalit dito, samantalang ang mga walang bayag para sa rebolusyon ay patuloy na magiging alipin nito. MGA BAGAY NA WALA KAMI(4.5 star)= huling huli ng akdang to ang buhay nayon, maging ang salita ng nagkukuwento. isa ito sa mga kinahahahangaan ko kay iwa, alam niya ang boses na gagamitin sa sinumang karakter. katulad ng kahon, tarantado talaga yang mga pulitikong yan. PULUTAN(4star)= simple ang kwento, simple ang pagkakakuwento, simple ang ginamit na karakter na nagkukuwento... pero maangas pa rin para sa'kin. lalo na noong nagkakatitigan ang asong si doro na tila ba nagtatanong kung ba't heto na't kakatayin na siya ng among nag-alaga sakanya sa mahabang panahon. hindi na umilag si doro. minsan iniisip ko, ano ba ang pamantayan sa pasasabing tao ang tao? at hayop ang hayop? TONY HEART FLOREN(4.5 star)= may mga bahagi ang akdang to nakakalito para sa akin, yung pag-inom ng lason, yung ama na nakakita sa naiwang notebook, at ang pagpapadala ng anak sa digmaang pakana ng U.S at ng puppet nating gobyerno.... hindi ko nasundan, pero sa kabuuan, kwento ito ng marahas at tunay na pagmamahalan ni tony at floren.TRIP KONG LUMIPAD(4 star)= atheist din ako gaya nung bida, pero hindi ako adik ah!... sobrang adik ng magkasintahang to, minsan natanong ko rin sa sarili ko? paano ako mag-aasawa? paano kami ikakasal? eh hindi nga tayo naniniwala sa diyos, so ano pang silbi ng mga hindot na pari? at ng mga tarantadong opisyal ng gobyerno?.... si Jack ang nagpahanga sa akin sa akdang ito. nagawa niyang mamaalam sa mundo ng matiwasay at tahimik....sa paraan ng pagkakakuwento, estudyante ang narrator. magaling si iwa sa ganoong boses....though mas gusto ko ang creative writing ng iba niyang akda kaysa dito.salamat sa shit na librong 'to tol.... digs...!! less
Reviews (see all)
elias
"Parang shit maalat pero masarap."
PatRiv02
its full of vigor. nice writing.
Ayushi
astig
Write review
Review will shown on site after approval.
(Review will shown on site after approval)
Other books by Norman Wilwayco