Rate this book

Si Amapola Sa 65 Na Kabanata (2011)

by Ricky Lee(Favorite Author)
4.35 of 5 Votes: 2
languge
English
genre
publisher
Philippine Writers Studio Foundation, Inc.
review 1: Napaka unique ng kwento.Simula sa simula magpahanggang sa dulo ay nakalitaw ang pangalang Amapola,isang baklang impersonator na itinakdang magliligtas ng Pilipinas.Nakakainis lang dahil ang kopyang nakuha ko e dalawang pages ang blangko.Dun sa parteng lumabas si Lola Sepa sa inidoro at basang-basa.Kung uunawain ang kwento,maraming sinakop na aspeto ng pagiging tao ang idinawit ni Ricky Lee.Mala-Bob Ong din ang pagpapatawa kaso nga lang ay hindi gaanong organized ang jokes.Kumbaga patuloy ang bato ng jokes kahit walang patutunguhan.Open-ended ang dulo ng story,sinadya marahil ni Ricky Lee upang mambabasa na mismo ang humusga sa magiging kapalaran ni Amapola.Sa pangkabuuan,maganda ang istorya!Nauunawaan kong marami ang di nagustuhan ang librong ito subalit tandaan po natin n... morea ang criticisms ay dapat constructive,hindi destructive! :)
review 2: Sa totoo lang. Ang galing ng pag kakalagay ng allegories. Sa una hindi mo maintindihan, shempre kailangan mo munang maintindihan yung Philippine History, yun yung i-ineemphasize niya dun eh. Yung pag tuturo ng mga characters sa sarili nila tungkol sa kung anong meron sa Philippine history natin. Yun din yung gusto ko sa mga libro niya, siguro kahit na pangalawa pa lang to', pero hindi pa ba halata yun sa mga ginawa niyang mga scripts? Laging may allegories. At nalaman ko lang na si Sepa yung Pilipinas. Parang bumabalik siya kung saan nag simula ang lahat, kung kailan naging wasak at malupit ang gobyerno ng Pilipinas, sa unang halalan ng Republika ng Pilipinas. Hindi talaga sinasabing may one-sided si Sepa kay Andres, nasa kanya lang yung boto ng Pilipinas, pero dahil gahaman nga ang mga tao sa kapangyarihan at pera. Ayun napunta kay Emilio. Ang galing diba? Hindi lang siya tungkol sa pag ayaw sa mga manananggal kundi mas malalamim pa, lagi namang read between the lines ang mga ganitong librong nag-ooppose sa gobyerno eh. Sana mabasa ito ng mga kabataang Pilipino. Na makisama din tayo sa pag unlad ng Pilipinas na hindi lang tayo puro salita. Marami kayong matutunan sa Philippine history at sa kung anong meron ngayon sa bansa. Good read. less
Reviews (see all)
Nico
Ang pinakagusto ko dito si Isaac saka si Giselle eh huhuhhhu ♥♥♥ Genius book ♥
lolita
I wasn't able to finish the book. I don't think it's good.
starzo
Maling henerasyon.
Write review
Review will shown on site after approval.
(Review will shown on site after approval)