Rate this book

Para Kay B (o Kung Paano Dinevastate Ng Pag-ibig Ang 4 Out Of 5 Sa Atin) (2008)

by Ricky Lee(Favorite Author)
3.75 of 5 Votes: 17
ISBN
9719430702 (ISBN13: 9789719430704)
languge
English
genre
publisher
The Writers Studio
review 1: Maganda ang istorya. Hindi lang yung characters he created ang nahubaran. Pati ako. Tama nga yung sinabi ng kaibigan ko, nakakawala ng emosyon. Parang ayaw mo nang umibig. Parang dun pa lang sa libro, masasaktan ka na. You’ll feel devastated.Sa totoo lang, hindi ko alam kung sino ang tunay na naging masaya sa kanila. Kahit na ginusto ng mga ‘nabuhay’ na karakter na baguhin ang love story nila, parang wala pa ring naging masaya. O baka si Writer lang. Pero sabi ni Sandra, dinamay daw ni Writer sa kalungkutan nya yung mga tauhan nya. Hay ewan, basta para sa’kin walang naging masaya. Siguro kasi pessimist ako o nahawa lang din ako sa kalungkutan ni Writer.Kung tatanungin ako kung anong story ang gusto ko sa lima, siguro yung dun kay Ester. Maghihintayan lang sila ni S... moreara at nung asawa nito kung sino ang unang mamamatay. Saka gusto ko rin yung quote ng author dito."Dahil totoo ang sabi nila, ang great love mo hindi mo makakatuluyan, ang makakatuluyan mo ay ang correct love."Make sense. Kahit ako, yan ang tingin ko sa mga ‘soulmate’ at ‘destined for each other’ na hindi nagkakatuluyan. Hindi dahil sa mali ang panahon kundi mali ang umibig lang. Dapat tama rin ito.Gasgas man ang statements na to sa mga review para sa librong ito, intriguing pa rin hanggang ngayon and kinda scary at least in my point of view."Me quota ang pag-ibig. Sa bawat limang umiibig, isa lang ang magiging maligaya. Ang iba, iibig sa di sila iniibig. O iibig nang di natututo. O iibig sa wala. O di iibig kailanman.Hindi ko alam kung nahanap ko na yung great love ko. Hindi ko rin naman kasi masabing isa ako sa lima. Hindi ko rin alam kung nahanap ko na yung correct love ko. Cliche as it may sound, pagdating naman kasi sa love hindi na tayo makakapag-label. Pag tumibok ang puso at nagiging active ang utak sa pag-iisip, pag-ibig na yon—great man o correct. Dahil for us, our great love is our correct love, as well. Wala nga kasing mali pagdating sa love di ba. Kaya siguro na-formulate yung "Love is blind."Ano kaya ako sa quota ng pag-ibig? Ako ba yung iibig sa di ako iniibig? Pwede.Eh yung iibig nang di natututo? Siguro.Iibig ba ako sa wala? Baka…O di iibig kailanman? Wag naman sana.
review 2: "Hindi mo pwedeng mahalin ang isang tao nang hindi mo minamahal ang hilaga, silangan, timog, at kanluran ng kanyang mga paniniwala. Kapag nagmahal ka'y dapat mong tanggapin bawat letra ng kanyang birth certificate. Kasama na doon ang kanyang libag, utot, at bad breath. Pero me limit. Pantay-pantay ang ibinibigay na karapatan sa lahat ng tao upang lumigaya, o masaktan, o magpaka-gago, pero kapag sumara na ang mga pinto, nawasak na ang mga puso, nawala na ang mga kaluluwa at ang bilang ay umabot na sa zero, goodbye na."Sa 44 na librong nabasa ko sa taong ito, ito pa lang ang pangalawang librong nabasa kong isinulat ng Pilipinong awtor. Gusto ko ang pagkakasulat - natawa ako, naiyak, nainis, at ang daming linyang nag-iwan ng tatak sa utak ko, pero may parte sa bandang dulo na pakiramdam ko naging OA na, na parang nabaliw na ang karaketer sa nobela at parang nabaliw na rin akong kasama niya. Malaki ang paghanga ko kay Ricky Lee simula pa noong kolehiyo ako, at kahit may mga parte sa nobela niyang pakiramdam ko ay nagbabasa ako ng isang dokumentaryo o kaya ng isang screenplay, masaya pa rin akong binili ang aklat niyang ito. less
Reviews (see all)
Your name...
good 9/10
ida
the best book ever! humor love clarity suspense and thrill all in one book.
koong
i think this is ineteresting
superreader
Accurate
Baby2shoes
afdgag
Write review
Review will shown on site after approval.
(Review will shown on site after approval)