Rate this book

Ligo Na U, Lapit Na Me (2009)

by Eros S. Atalia(Favorite Author)
3.65 of 5 Votes: 7
languge
English
genre
publisher
VISPRINT, INC.
review 1: Manunulat ako ng kwento pero hindi ako sanay na gumawa ng review. Sa totoo lang hindi ko alam kung matatawag ko ba itong review o normal na pananaw ko lang tungkol sa librong itong nabasa ko dalawang taon na ang nakakalipas. At sa katunayan, ito ang kauna-unahan kong nag-aksya ng minuto ng buhay ko maisulat lang ito. Pero sige, dahil napadaan na rin sa bookstore nung araw na iyon ay naaliw ako sa cover nang sabihin ng kaibigan kong, " Alam mo yung lalaki sa cover na matanda, taga cavite city yan, 500 ang binayad dyan." Namangha tuloy ako, " Wow talaga." Hayun, nagkaroon tuloy ako ng kati na basahin ang kwentong ito. Sino bang hindi ma-eelya sa pamagat pa lang ng kwento alam mo nang kung anong tipo ng kwento ang mababasa mo. Tiyak may kiliting hatid sa loob, tipong pag mag-... moreisa ka sa kwarto at wala kang maisip na gawin, magagawa mo tuloy. Kaya hayun, ang huling pera ko sa bulsa, pinambili ko ng libro ( una ko kasing tinitignan ang cover, hehe). Sa umpisa pa lang. Di ako natuwa. Bakit? Hindi kasi ako madaling matuwa sa mga manunulat na nagpapatawa ng pilit. Halata sa mga pagbato ng mga linya na parang ewan ko ba, hirap na hirap akong sakyan, para akong maduduwal ng sampung beses dahil hindi ko makuha kung nagpapatawa ba o nagpapakakorni ang awtor. Ito rin ang librong tagalog na binasa ko ng palaktaw laktaw kasi hindi ko gusto ang paglalahad ng bida. Minsan parang ang daldal na masyado at kung ano ano ang pinagsasabi. Nalalayo tuloy sa istorya. Syempre, binasa ko 'yung sex scene, mahilig kasi ako dyan. May dulot namang "WOW" ang pagkaka-kwento nung X Rated Part pero parang kulang. Hindi sakto pero wala namang umay. Basta. Ang ending, korni. Lalo na iyong huling sinabi na sa pagkakatanda ko ay ganito " Abangan ang susunod na kabanata" . Wow, bagong bago a. 2 stars dahil ang libro ay nakatambak sa aking kahon ng mga libro at dahil ang kwentong ito ay hindi man lang kumurot kahit sa singit ko man lang. Binigyan ko ito ng 1 star, hindi dahil sa awtor o sa kwento niya. Kundi dahil sa Cover. Yun lang.
review 2: Una kong napanood ang pelikula nito bago ko mabasa ang libro. ito ang unang nabasa ko sa mga libro ni sir eros. gaya ng inaasahan ko, meron pa ring mga detalye sa libro na di nabigyang daan sa pelikula nito. kaya kahit napanood ko na iba pa rin talaga ang dating ng istorya sa libro. ayos ang paminsan-minsan na pagsisingit ng mga crazy thoughts sa kalagitnaan ng istorya dahil nakaka-relate ako rito dahil minsan kahit nasa gitna ako ng isang conversation o kahit nasaan ay sumisingit din sa utak ko ang mga ganoong isipin. maganda ang takbo ng kanilang istorya. unique. kung sukang-suka ka na sa mga paulit ulit na lovestory, ito ang dapat mong basahin. go sir eros, mabuhay po kayo! :) less
Reviews (see all)
Faith
Kapag nagpunta ka sa mga estante ko ng mga libro at gusto mong manghiram, hindi ko irerekomenda ito.
Victor
lng baldi ni joan...
djallel
nasaan na si Jen?
Write review
Review will shown on site after approval.
(Review will shown on site after approval)