Rate this book

The Despicable Guy (2000)

4.42 of 5 Votes: 1
languge
English
genre
series
The Despicable Guy
review 1: Una sa lahat, di talaga ako nagbabasa ng mga tagalog na libro. Basta, ayoko lang (angal? XD) tapos nung sinabi nung friend ko na " Toh, try mo tong story na to! Maganda yan! swear!" Aba ay di agad ako naniwala! hahaha, pero nakaraan ang mga araw, binasa ko rin. Wala kasi akong magawang productive nung mga araw na yun eh. hehehe Tapos, ayun! Unang chapters pa lang, tawang tawa na ako! As in! This seems to be a typical story kung babasahin mo lang yung unahan, o kaya makikinig sa mga kaibigan mong di marunong magbigay ng hustisya sa nagsulat kung makapagkwento. XD Pero, nung nasimulan ko na, ayun! at di ko maiwanan. OA lang noh? (pero, truelala yan!)This story catches my interest from the very start of its chapter. Ito yung "pinaka-ewan" na librong tagalog na nabasa ko, ( an... mored yes, nagbabasa na ko ng mga tagalog books ngayon, thanks to this! hihi). "EWAN" kasi, yun eh. Di ko mapaliwanag. Ang ganda kasi! Tapos di mo mamamalayan na hook na hook ka na pala sa pagbabasa! Napaka-realistic! Sa pagka-realistic, iisipin mong "Merong nga kaya talagang napakapoging KEVIN SANTOS? o itong si DEBS, matalak kaya talaga to sa personal? " haaayyy nako!! Dagdagan pa ng mga lugar na gustong gusto kong makita sa personal para maimagine na, " HUY, Dito ginanap yung MINSAN AKO SI MADONNA nila Jersey oh!" HAHAHA, even sa Facebook sinearch ko talaga, tapos meron nga! LOL (GAling magpanggap ng mga mokong) anyway,HAaaaay EWAN! Ang ganda lang ng pagkakasulat talaga. Kasi lahat normal eh. Pati yung, mayat mayay mura don, mura dito! Sapak don, sapak dito! Barahan don, barahan dito! Nangyayari talaga yun sa totoong buhay, sa College life natin, di ba? XDBasta maganda !! maulit nga ulit basahin! haaay nako..EWAN!! XD
review 2: Naghahanap ka ba ng istoryang kikiligin ka? Yung librong tatawa ka, maiinis, magagalit at sisigaw kasabay ng mga karakter sa istorya? Yung kwentong masarap basahin dahil nakakatuwa ang usapan ng mga bida? Pwes, para sa’yo ‘to.December 2011 nang una ko ‘tong mabasa sa WP. Take note, ito yung pinakaunang tagalong love story na binasa ko on-line. Hindi kasi siya katulad ng ibang istorya na after two chapters nakakasawa o nakakaumay na. Hindi lang siya pakilig, may lalim din kahit sabihin nating teen-fiction ito.Masasabi ko na hindi naman ka-smooth ang pagkakagawa sa kwento. Pero okay lang at tanggap ko since 17 years old lang ‘ata nun si Leng (yung author) at hindi naman writing ang major n’ya. Sinulat lang n’ya ‘to out of hobby. Ang sarap kaya magsulat! Kung tutuusin, mas maganda pa yung story na ‘to kesa yung mga pa-tweetums sa t.v. Parang script ang pagkakagawa rito at may future ang author sa script writing.Tuwang-tuwa ako sa dalawang bida; John Kevin Uy Santos at Jersey Benitez Santiago. Meet the KevJe couple! Ang setting? Sa UPLB kung sa’n nag-aaral ang ating author. Kung mababasa mo lang ‘to, para ngang hinihikayat na mag-aral na lang sa LB. Balik tayo sa dalawang bida, nakakatuwa sila dahil hindi sila yung tipong in-love kaagad pagka-meet nila (kaasar lang yung mga ganun e). Makikita mo kung paano mag-level-up yung relasyon nila na parang sa totoong buhay; inis-acquaintance-classmate/seatmate-friendship-respect-acceptance/care-trust-love. Ganun dapat ‘di ba?Idagdag mo pa yung mga kabarkada nila: Jerro, Sath, Amae, Keith, Paolo, Jill at Ken. Makikita mo yung pagiging ‘magkapatid na turingan’ sa barkada. Sa istoryang ito, makikita mo ang meaning ng college life. At hihilingin mo n asana may kaibigan ka rin na tulad nila.Hindi ko sure pero ito ‘ata ang first story na inilabas ng author on-line. Kahit sabihin na natin na medyo common ang story-line, masasabi pa rin na may talent si Leng pagdating sa pagsusulat. :) less
Reviews (see all)
xgriswold
Until, now I'm inlove with this story. It's just a wonderful story. I'll never forget this one. :")
pat9643
Bitin.
shantilly
?>.
Write review
Review will shown on site after approval.
(Review will shown on site after approval)