Rate this book

The Despicable Guy 2 (2000)

4.54 of 5 Votes: 3
languge
English
genre
series
The Despicable Guy
review 1: Kung kinilig kayo sa Book I, siguradong mas kikiligin kayo dito at matututo about relationships. Dito sa librong ito, masasaksihan natin ang pagkakaiba ng teenager na KevJe sa adult na KevJe. Walang sugar-coating dito, lahat makatotohanan. Yung hindi na kayo laging magkakasama ng mga barkada mo, may kanya-kanya ng buhay, may mga sariling career, atbp.‘Di bas a relationships una ang kilig? Okay na yung kilala n’yo ang isa’t isa kaso ‘yun nga lang ba? Hindi pa rin pala ‘yun sapat. Dahil kapag ang status mo ay naging ‘in a relationship’, diyan na papasok ang salitang trust. Kung wala kang TRUST, patay ka dahil importanteng ingredient ‘yan sa kahit na anong relasyon.Ang medyo ayaw ko dito, masyadong impulsive ang heroine natin. Hindi muna nagtatanong, conclude ... moreagad. Kaya bilib ako kay Kevin kasi napagtiyagaan n’ya ang ganun kahit mahirap. In fairness naman kay Jersey, makikita mo sa kanya ang character development at yung pagbabago niya. Gustung-gusto ko rin dito ang mga side characters, s’yempre, iyon yung mga kaibigan nila sa book I at ang nadagdag na co-worker/pang-limang bestfriend ni Jersey na si Jicker. Siguro, kung walang mga kaibigan na tulad nila yung dalawa, wala na ang KevJe.Isa sa mga favorite part ko dito ay nung sinampal ni Jicker si Jersey dahil sa katangahan ng huli. Ang cool n’on kasi ‘di naman por que kaibigan natin ang isang tao, sa kanya ka lagi kampi lalo na kung alam mong mali na s’ya. At ang mas cool, tinanggap ni Jersey yung sampal dahil alam n’yang deserved n’ya ‘yun. Alam n’ya na siya ang mali. Masarap malaman na kapag may katangahan tayong ginagawa, mayroong gigising sa atin para tumigil sa katangahang ‘yun. Masarap na malaman na kahit galit sila, alam natin na mahal nila tayo at tayo lang ang inaalala nila. Ganun ang relationship ng magkaibigang Jersey at Jicker.Online story ‘to at hindi professional ang pagkakagawa. Pero for a beginner? Ayos ‘to Leng.P.S. Teen-fiction ang story na ito at hindi para sa lahat. Alam ko namang mako-cornyhan yung iba dito. HAHAHAHA
review 2: Sobrang realistic ng story na to!! Actually pang 5th time ko nang nabasa yung book 1 and 2 nito hihi buti nalang nadownload ko na siya sa app ng wattpad bago pa binura ni Ate Leng yung account niya. Yung story na to kasi yung hindi kagaya nung iba na mabilis nahulog si girl kay boy tapos naging sila kagad, ito iba talaga eh sobrang tagal ng pacing sa pagitan nila kaya mas nakakaenjoy yung nangyayari sa buhay nila tsaka ang ganda nung relationship ni Kevin and Jersey. Para talaga silang magbestfriends lang, inggit akooo :)) less
Reviews (see all)
kakkoiohno
my most awaited book!
Storm
love this story
marina24811
nice .. :))
Amhelbing
like it
Write review
Review will shown on site after approval.
(Review will shown on site after approval)