Rate this book

Ilayo Mo Kami Sa Apoy Ng Impyerno! (2013)

by Manix Abrera(Favorite Author)
4.39 of 5 Votes: 3
ISBN
9710545205 (ISBN13: 9789710545209)
languge
English
genre
publisher
Visprint
review 1: Sa mga kagaya kong ang nasa balintataw ay ang buhay pamantasan masasabi kong isa itong obra maestra. Hindi ko lang basta naalala ang mga karanasan ko; pati yung mga hinagap kong di naging katotohanan ay pinasinayaan ng komiks na ito. Habang binabasa ko ito, ang pagpapatawa dito'y mailalarawan ng isang salitang nabasa ko sa Mga Ibong Mandaragit: diyenuwain! Eh kasi, talagang napahalakhak ako nito. Ginising uli ng may-akda ang natutulog kong pagkayamot sa mga taong huwad na di malirip at mga mapagpanggap na alagad ng sining. Kesyo ganito at ganyan masabi lang na sila'y walang iniwan sa balong malalim. Ito ang unang libro kong katha niya; sa ganang akin dudulutan ka ng librong ito ng pagtawang may katuturan.
review 2: Sorry ang loser ko, ngayon lang ako nakapagbas
... morea ng Manix Abrera. :/ Pero okay lang, kahit huli na 'ko sa uso, siguro naman pwede pa rin maging fan girl 'di ba? Grabe!!! Sobrang fan girl na ko ng Kikomachine wahahaha. Kanina nga sa National Bookstore, kasama ko boypren ko, may mga back issue sila ng kikomachine, sabi ko, itong issue na 'to ang regalo mo sa'kin sa birthday ko, tapos ito sa pasko, haha! Sorry nagiging demanding ako dahil sa kikomachine komix.Nga pala kase, nagtatalon muna ko sa tuwa nung nakita ko yung mga komix, haha sorry di ko napigilan ang kasiyahan ko. ANSAMA KUNG SINO MANG NAGTAGO NUNG NO.5 NA KIKOMACHINE KOMIX SA LIKOD NUNG ISANG TRESE BOOK! Haha. Kala mo di ko nakita? Akin na yun!!!! blehhhh. tago ka pa ha. mas tinago ko sa hindi makikita, nyenyneyen.Anyways, enough na sa kwento, sobrang astig ng mga strip huhu haha. Gusto ko ng mabaliw dahil kahit iniisip ko siya pag nasa publiko ako mag-isa, napapabungisngis ako. Lalo na yung dilang anghel. bwisit na yan hahaha. tyka yung tinutusok yung star na parol hahahaahaah sorry spoiler. basta the best. kokolektahin ko pa yung 8 naunang kikomachine komix. before mag-end 'tong 2013, nasa aking mga kamay na lahat yun, promise! :)) less
Reviews (see all)
Lee
Hindi pa rin sumasablay ang kakulitan ni Manix Abrera, very good ka pa rin boss!
mehret
Just as expected, Manix has done it again! :D
hilaryyaln
Asteeeg! :))
Write review
Review will shown on site after approval.
(Review will shown on site after approval)