Five lessons galing sa mga nagmahal, nasaktan, at nagsulat

by Elaine Cotoner

This post is written in Filipino because heartbreak is best expressed in your mother tongue.

This week’s read:

Goodbye Girl by Noreen Capili

(a.k.a Noringai, whom you may know as the writer of Buti Pa Ang Roma, May Bagong Papa and Parang Kayo, Pero Hindi.) From those titles, you kinda know where this is going.

 

  • Wala tayong karapatang husgahan ang nararamdaman ng iba.
  • Dahil ang Goodbye Girl ay iba’t-ibang kuwento ng mga taong nagmahal, hindi ko maiwasang mairita sa kaartehan ng iba.

    Binigyan ka lang ng panyo nung retreat niyo nung high school, 15 years mo na siyang iniyakan? Talaga ba, Ate? Sarap mong pakainin ng panyo nang matauhan ka.

    Pero natutunan ko din na wala akong karapatang husgahan ang nararamdaman niya o ng kahit sino pang nagmahal at nasaktan. Wala naman ako dun. Hindi naman alam ang lahat ng nangyari. Ang pwede ko lang gawin, matuto sa karanasan nila.

  • Wag magpaasa kung ayaw umasa.
  • Karamihan, kung hindi lahat, ng mga kwento sa librong ito ay tungkol sa mga pinaasa: pinaasang more than friends sila, pinaasang may forever sila kahit wala naman.

    Ilang libro, kanta, at hugot post na ba ang nagawa ng mga napaasa? So kung palarin tayo at mapunta sa other side ng paasa-pinaasa pair bond, wag din tayong magpaasa. Golden rule, kumbaga.

    “Kung hindi mo siya mahalat mahal ka niya, palayain mo na siya. Bigyan mo siya ng chance na magmahal ng iba, ‘yung posibleng magmahal rin sa kanya.” – Kuwento ni Fiona, Goodbye Girl

  • Mapalad pa rin ang may unrequited love.
  • Nagbayad ka ng buo, pero hindi ka nasuklian? Shet na malupet, ang saket.

    Pero, may bright side pa rin para sa hindi crush ng crush nila. At least sila, hindi hawak ng mga lalaki ang kapalaran nila. Mayroon silang free will, gamitin nila ito.

    “Ito ang maganda kapag nagmahal ka ng one-sided. Ikaw lang ang makakagamot sa sakit na nararamdaman mo. Ikaw ang may control kung hanggang kalian mo gustong saktan ang sarili mo.” – The Letter E, Goodbye Girl

  • Ang pagka-bitter, pinagdaraanan. Hindi tinatambayan.
  • May nagsabi rin sa kin dati, paano kung yung taong kinaiinisan mo, nagbi-Bingo na lang pala tuwing Linggo? Masaya siya. Wala siyang pakialam sa’yo. Ikaw lang ang talo. So, kaysa mag-inarte, dapat mag-Bingo din ako.

    “Okay lang maging bitter. Lahat naman pinagdadaanan ang stage na ‘to. Pero dumaan ka lang. Huwag kang tumambay sa Bitterland. Kasi kung ilang years na, bitter ka pa, pinahihirapan mo lang ang sarili mo.”  – Kung Bakit Okay Lang Maging Bitter, Goodbye Girl.

  • Make good art.
  • Well, kay Neil Gaiman ko talaga unang natutunan pero applicable pa rin. Sabi niya, when things get tough, we should make good art.

    Kunin natin lahat ng bitterness at gamitin sa paggawa ng mas magagadang bagay—na malay mo, pwedeng pagkakitaan. Tulad ni Adele. Tulad ni Noringai.

     

    Salamat kay Marian na nagpahiram sa akin ng libro.

    Share this:
    Like this:Like Loading...