Rate this book

Eight Muses Of The Fall (2008)

by Edgar Calabia Samar(Favorite Author)
4.05 of 5 Votes: 1
languge
English
genre
publisher
Anvil Publishing, Inc.
review 1: Parang isang patibong: mahuhulog ka ngunit hindi ka magiisa sa dilim. Buti na lang may Edgar Calabia Samar na nagising at nagsulat nito. Dama ko lahat ng emosyong nirerepresenta at ipinakikilala. At kung may karakter dito na nasasalamin ako, yun ay hindi si Daniel, kundi si Eric: Iyong lihim na umiibig sa kaibigan, ngunit piniling ikimkim kung anuman yung mabigat na dalahin sa dibdib niya at nanahimik na lang alang-alang sa pagkakaibigan nila. Pero sa huli, kinangailangang mamatay dahil ang dalahin ay di na kayang arugain pa. (Pero hindi ako si Eric, hindi rin ako suicidal. Pero kung ipagpapatuloy ko ang ganitong pananagalog, baka maging Eric nga ako.)Sabi nila ay mala-Murakami. Tama. May punto sila roon: hindi lang sa mga biglang nawawala, weird na kababaihan, tema, kulay... more ng boses sa paglalahad, kundi pati sa mga aklat at manunulat na nabanggit at paggamit ng mga produkto at social media.Sa pagwawakas ng libro, tila ba nagpapaalam rin ako sa mga dati nang kaibigan at sa aming mga pinagsamahan. Nakakalungkot, ngunit kailangan.Lahat ng ito ay sarili kong opinyon ayon sa nabasa ko. Hindi ko na kailangan pang ikwento ang naikwento sa libro. At hindi rin ako magaling magkwento ng kwento ng iba--teleserye man o pelikula o aklat.Ayokong irekomenda, dahil ang mga tunay na kayamanan ay nararapat lamang na pagbuhusan ng panahon sa paghahanap at pagsasaliksik.
review 2: Gusto nyo bang pumasok sa isang labirinto? Magmala-detektiv?O ang maligaw kaya? At habang tinatahak ito, kung hindi diwata ang inyong makasalubong, e pangit na tiyanak! Kung may mahulog, palagay ko’y siyam na buhay naman ang bitbit nyo, ano? Tara!Isa ito sa maraming aklat na ilang beses kong binuklat sa tuwing tumatambay ako sa tindahan. Kung anong pahina ang mabuksan ko, doon ako nagsisimula pero para sa araw lang na iyon. Sa mga sumunod na pagbisita ko ibang pahina uli, iba uling tema. Kada punta iba-ibang kuwento. Binili ko na!Madalas ganito ako magsimula ng pagbabasa, nanghuhuli muna ng moda para masakyan ko kung anong daloy ng isipan at damdamin ng may akda ang nakapaloob sa kuwento. At masasabi ko na ang isang ito’y hindi madaling hulihin, mahirap tugisin at talagang nakakaligaw! Ang aklat na ito ang talagang hinahanap ko kung saan natagpuan ko ang mga pagbabago sa pagkukuwento at daloy ng naratibo. Ibang klase!Ang Walong Diwata ng Pagkahulog ay nanalo sa 2005 NCCA Writers Prize at napasama sa 2009 Man Asian Literary Award. Ang galing lang diba! Wasak na nobela ito kung saan nag-ugat ang lahat sa katauhan ni Daniel bilang pangunahing tauhan sa nobela at sa kanyang kabaliwan tungo sa pagsulat at paglikha ng pinakamagandang nobela. Sa kanyang pakikipagsapalaran sa pag-abot dito, nagsanga-sanga ang mga kuwento ng pagkabata, ng pagkakaibigan, ng pamilya, ng pag-ibig at ng pagkatao at nasangkot rin ang duwende, tiyanak, multo, sirena, at bayan na punong puno ng misteryo at mahirap ipaliwanag. O diba ang saya! Naghalo na ang realidad at hiwaga! nakalikha ng mundo si Daniel ngunit ang nobela? Ang pinakamagandang nobela, nalikha niya ba?Bukod sa mga elementong ito, napapatigil ako para uriin kung sinong persona na ang nagkukuwento. Si Daniel-Si Edgar-Arcangel at iba’t ibang karakter na biglang sumusulpot ng walang pagpaparamdam. Kasama pa ang mga pangyayaring mahirap tukuyin kung kelan naganap , nagsimula at natapos. Maging ang mga pilosopikong pag-iisip sa mga bagay at mga pangyayaring gumigising sa ating kamalayan.Dumadausdos nang pagkalalim at tuluyan nang nahuhulog at pagdating sa dulo ibinabalik tayo ng kuwento mula sa kabaliwan tungo sa katinuan. Nakawiwindang pero sa pag-uulit at pagbabasa muli nito naroroon ang kalinawan, nandun ang unawa at kabuohan ng kuwento.Mahusay at matapang si Prof. Edgar Samar sa paglikha at pagkakaroon niya ng mataas na antas ng kamalayan sa buong kuwento at kakaibang takbo ng naratibo. Binigyan niya ng totoong pagbabagong anyo ang mga naunang uri ng kuwento at pagkukuwento sa nobela.Sa kawasakan ng daloy ng naratibo, naroon ang pagkakaroon ng daluyong ng kaayusan. Naiiwan lang ang pakiramdam at mga gunita ng pagkaligaw at pagkahulog.Sa huli ang nobelang ito’y napakahusay! Kalalabas lang ngayonng taon ang salin nito sa Ingles, ang Eight Muses of the Fall. Pang-Internasyunal talaga! WASAK!Sunod nito baka pelikula na. Mabuhay ka Sir Egay! less
Reviews (see all)
iLimmy
i dont know
Pfiffikus
nice story
jupaalga
Mainam!
Write review
Review will shown on site after approval.
(Review will shown on site after approval)