Rate this book

Tutubi, Tutubi, 'Wag Kang Magpahuli Sa Mamang Salbahe (1987)

by Jun Cruz Reyes(Favorite Author)
4.24 of 5 Votes: 5
ISBN
9711003635 (ISBN13: 9789711003630)
languge
English
publisher
New Day Publishers, Philippines
review 1: Wala na akong nabasang libro na binigyan ko ng 5 stars. Siguro ay dahil nawalan ako ng puso dahil sa dami rin ng babasahin ko ngayon sa klase. Taliwas sa estado ko ngayon, puno ng puso ang libro na ito dahil sa karakter na si Jo. Napakarami niyang sentimiyento at mararamdaman mo ang pagkakaroon niya ng pakialam sa mga bagay-bagay. Hayskul palang si Jo sa libro ngunit mulat na siya at parang hindi hayskul ang karakter. Matalino siya. Isa pang nagustuhan ko sa librong ito ay ang hindi pagiging masyadong pilit nitong maging aklat tungkol sa mga tibak. Oo, naroon ang mga "subersibong" pananaw ni Jo. Naroon ang pangunguwestiyon niya sa matatanda at pagpapatakbo ng gobyerno. Pero hindi na nito ginalugad ang pagiging tibak ni Jo sa paglahok niya sa mga rally at pagsisisigaw ng "m... moreakibaka." Mabasa mo lang ang mga iniisip niya ay makukumbinsi ka nang tibak siya. Isa pa'y hindi tinago ni Jun Cruz Reyes ang pagiging (medyo) burgis ni Jo. Nandoon pa rin yung "kaartehan" niya sa ilang mga bagay. Nakatutuwa dahil kaunti lang ang dayalog ng librong ito ngunit mapapabasa ka talaga.
review 2: i posit here na parang sa arithmetic lang din ang dating ng librong ito, sinignify hanggang 54 eh may 55 onward pang kasunod, 55, 56, 57 hanggang 55,000 hanggang 56,000 pa and more.pag kinonsider na 'period' literature, lalo lang maja-justify yung limitation. alam naman nating mapaniil ang martial law and all at nangangalit yung mga estudyante, yung mga MASANG API, caps lock para mas emphasized, banggitin pa mismo yung pagbabanggit ng emphasis bilang isa pang emphasis, ang mga "iskolar ng bayan" pero panitikan pa rin ito at nagkukunwaring bago na si miguel syjuco at marami nang bago rin at bata at balat-kayong experimental na manunulat na naghuhugis ng panitikang pilipino at halos desenstized na ako sa mga phrases na ginamit sa librong ito.malamang noong 80s, ang lupit ng dating nito, sariwang-sariwa, nag-first place sa Palanca at iba pang awards. Akma rin sa socio-historical na kalagayan at may galit pa rin sa mga tao kahit malapit na ang tagumpay laban ke marcos? o nagsimula na ang "restoration ng democracy" ni yellow?pero pag nagbabasa ka ng goldsmith o david foster wallace, o high chair (o yan para may pinoy; or: pagbibigay-boses sa konsensya), tama ngang, akin lang naman ito eh, pahingal lang na dumating sa 55 itong libro. hindi ito usapin ng nilalaman, tema and stuff; lamang nang unti ang porma sa panitikan para sa akin eh, at ang tutubi tututbi ay hindi nga nagpahuli sa mamang salbahe pero medyo nakahon (after nitong lumabas sa kahon ng konteksto nito) sa panahon nito at sa kinalaunang tinawag na "protest literature."precisely kung bakit ineerect ang categories, to be subverted again and again. unless yung kalakhan ng sistema na ang masubvert. hindi na primarya ang task ng mga aklat doon. lahat ng aklat o akda, isang star lang ang kaya pagdating sa systemic subversion. pero magsulat at magbasa pa rin tayo. dahil kelangan natin ng porma. less
Reviews (see all)
Lucius
beutiful book
Crystolio
maganda
hollie
cool
littlpiggi
nyc
RatedR
waw
Write review
Review will shown on site after approval.
(Review will shown on site after approval)