Rate this book

Anim Na Sabado Ng Beyblade At Iba Pang Sanaysay (2013)

by Ferdinand Pisigan Jarin(Favorite Author)
12.85 of 5 Votes: 3
ISBN
9710545248 (ISBN13: 9789710545247)
languge
English
genre
publisher
Visprint Inc.
review 1: Magkahalong emosyon ang naramdaman ko mula ng mabasa ko ang mga akda ni Sir FPJ (Sir Ferdz). Ung una seryoso, maya maya mapapaluha ka, may aksyon tapos bigla ka nalang tatawang mag isa.Ang mga Sanaysay na may saysay at mananalaytay sa isipan, iyon siguro ang impluwensiya nito sa akin. Koleksyon ng mga Sanaysay, dito ang mga akda ni Sir Ferdz ay tumutukoy sa tunay na buhay, ang kahirapan, ang pakikipagsapalaran, pakikibagay tao, pagpupursige, pananalig, pagkawala o paglisan ng taong pinakamamahal at pagbangon muli. Una ko syang nakilala dahil kay Ern, lagi nya sa aking sinasabi na basahin ko raw ung Anim na Sabado ng Beyblade. Sabi ko sa kanya, bigyan mo ako ng link. Ako kasi, minsan, tamad mag-google. Sabi nya sa akin, Palanca Awardee yung akda na un ni Sir! (sobrang enthu... moresiastic). Sabi ko, sige, hayaan mo, babasahin ko rin yun. Dumating nga ung araw na yon, naglabas na ng libro si Sir Ferdz. Sobrang excited ni Ern pumunta ng national bookstore sa may Market2x pero naubos na agad ung copy dun. Syempre si ako, dahil gusto ko syang mapasaya haha, naghanap ako ng paraan para makuhaan sya ng kopya. Kakagaling lang namin ni Charl nun sa EN, umattend ata kme ng service basta hapon na un. Sabi ko sa knya, malapit na ung monthsarry nmn ni Ern, gusto ko syang bilihan ng libro, kaya nagpunta kme sa National uli, sabi ko baka may kopya na uli sila. Di ako pinalad noon, sabi ko sa receptionist, saan po kayang branch meron? Nagsearch syempre si Ate, sa may Greenbelt po. Yehey, sa wakas meron na! Makakabili na rin ako ng regalo. Nabili ko naman, nairegalo ko at sobrang ikinatuwa ni Ern. Pero nde ko pa rin nasimulan agad. Nasimulan kong unang basahin ung kwento ni Rebo, ung ang pinakadulong part ng libro.Naluha ako, nde man ako ang nasa posisyon ni Sir Ferdz, naramdaman ko ang bigat ng pakiramdam ng mawalan ng hindi mo na pwedeng ibalik pa. Naalala ko ang trabaho ko, ang pagiging nurse ko, sa mga panahong iyon, naisip ko ang sarili ko sa harap ng ilang pasyenteng naalagaan ko at sabihin na nating nakainisan ko rin. Iba, ang pagiging magulang niya ay tunay na kahanga hanga. Sabi ko, napakalinaw ng kanyang memorya ng kanyang pagkabata, kung paano sya nahubog ng mga karanasan nya noon. Astig, maangas kung paano nya natungo ang pagkamit sa kanyang mga simpleng kagustuhan at pangarap para sa kanyang sarili at sa kanyang pamilya. Nitong nakaraang mga buwan namin nakilala ng personal si Sir Ferdz, napakaikli lamang noon para higit syang makilala. Nagpasya akong kilalanin syang maigi upang malaman ko pa ang kanyang kasaysayang naipon, hindi ako nagkamali, nabigyan ng kanyang libro ng kamulatan ang aking pagkatao.
review 2: 'Di biro ang naging buhay ni Sir Jarin. Kamangha-mangha na isipin na kaya niya tayong pasayahin at paiyakin ng sabay sa pamamagitan lamang ng kanyang mga walang hiyang panulat. Mahirap magkwento ng mga personal na karanasan lalo na 'yung mga tipong napakapribado o kaya'y 'yung tipong napakasakit alalahanin. Mahirap ibalik ang nakaraan lalo na, na sa bawat titik na iyong isusulat ay kasabay nito ang hapdi na kumukurot sa iyong pagkatao at ang muling pag-agos ng mga luhang dati'y nailuha na. Masakit nga naman, kung iyong kakalikutin at tutungkabin muli ang mga langib ng isang papahilom na sugat na hindi pa nga gumagaling ay muli nanamang magdurugo at maghihintay na naman ng panahon bago ito muling maging peklat na ng nakaraan. Paulit-ulit na sakit. Paulit-ulit na paghihirap. Ngunit bibihira ang mga tulad ni Sir Jarin na kayang ibalewala at manaka-naka'y pagtawanan pa ang mga sakit ng kahapon. Wala siyang tinatago, lahat ay kanyang isinisiwalat at sinasabi ng walang pag-aalinlangan, walang tinatakasan, walang hiya-hiya, masaya kung masaya, malungkot kung malungkot, masakit kung masakit. Lahat ay kanyang sinusulat para lang sa esensya ng pagsasalaysay ng kanyang mga personal na sanaysay.Ganyan ang atake ni Sir Jarin sa libro. Kung naramdaman ko ang bawat sakit sa kanyang mga isinulat, s'yempre di ko rin makakaligtaan ang kulit, at nakakahilong naging takbo ng kanyang buhay simula pagkabata hanggang pagtanda. Lubos akong natuwa dahil taga-Makati lang siya na kalapit lang ng aming bayan. Lalo akong natuwa nang malaman kong nag-aral din siya nakapagtapos sa Mataas na Paaralan ng Kuta Bonifacio (Fort Bonifacio High School o Barko) kung saan ko din ginugol ang apat na taon ko bilang high school. Gaya niya nasaksihan ko din ang mga kwento sa kwento niya na lumipas man ang mga panahon ay naroroon pa rin at laman pa rin ng sistema. Gaya niya, ipinagmamalaki ko ang aking kinamulatang eskwela. Nakapagtrabaho rin siya sa Fort Bonifacio kung saan ako madalas makita ngayon, ngunit sa kasamaang palad ay iba na ang Fort Bonifacio na kinakihan niya sa Fort Bonifacio na aking nakikita na pinag-aagawan na ng Makati at Taguig dahil sa mataas nitong kita. Huli na nang malaman ko, at dyuskopo, laking pang-hihinayang ko na hindi ko siya naabutan sa STI College - Global City dahil nakapagturo pala siya at nakaalis bago pa man ako makapasok doon. Sayang, nakilala ko sana siya at nakilala rin sana niya ako.'Eto ang masasabi ko sa makakapagbasa nito. Maganda ang libro at totong nagustuhan ko ito at sa tingin ko alam mo naman ang dahilan. less
Reviews (see all)
lava1234567890
nakaka iyak din sya kase tuwing sabado lang sila Nagkikita nang tatay nya pos Broken Family Pa sila
Britt
sadgsgsdfgdgdsfgsdfgsdfgsdfgsdfgsdfgdsfgdsfgdfg
tiffany
wow
Lissa
ad
Write review
Review will shown on site after approval.
(Review will shown on site after approval)