Disclaimer: Hindi ako taga-Letran, dumayo lang talaga ako para makita ang paborito kong manunulat.
Ang astig! Sobrang astig! Isipin mo, dati binabasa ko lang ang nobela mong Para Kay B, tapos ngayon naririnig na kitang magsalita sa harapan ko. Dati nakakasalubong lang kita sa ELJ noong nago-OJT ako sa ABS-CBN, ngayon, narinig ko na rin ang pahapyaw mong seminar sa wakas!! Oo, siya nga! Siya si Ricky Lee.
Una ko siyang narinig dahil sa pelikulang Himala, pero lubos akong humanga nang mabasa ko ang nobelang Para Kay B. Ang lupit ng nobela! Ito iyong tipo ng nobela na kahit maraming kwento, mapapamura ka kasi ramdam mo lahat ng nararamdaman ng bawat tauhan. (Ang lakas maka-kanto ng description ko, pero ganoon talaga nararamdaman ko).
Nagkwento siya ng tungkol sa kabataan niya. Isa raw siyang ulilang anak ng intsik na inampon ng kamag-anak nila sa Daet. Pero dahil sa hindi ganoon kagandang buhay doon, sinikap niyang tumakas, lumayas.
Nang makalayas, nanirahan siya sa Maynila at doon sinubukan niya ang iba’t ibang klase ng trabaho para mabuhay, kasama na rito ang pagsusulat ng mga maiikling kwento. Hanggang sa nagsulat na siya para sa pelikula at nito lang ay nagsulat na rin ng mga nobela.
Sa open forum, gusto kong itanong How to be U po? Hindi sa pang-aasar. Seryoso ako. Paano nga ba maging isang Ricky Lee? Saan nagmumula ang mga kwento? Saan nagmumula ang mga idea? Saan nagmumula ang mga tauhan? Saan nagmumula ang mga salita? Saan?!?!?!
Masasagot din ang mga tao sa pagkakataong nagsusulat na rin ako para sa pelikula o para sa nobela, pero hindi ko pa rin alam kung para sa akin ba talaga iyon. Para lang akong nagmamahal ng taong hindia ko kayang mahalin pabalik. (awtsu)
Advertisements Share this: